Thursday, October 20, 2011

Scary Story 7:(part 1)

Tila mala-fairytale ang love story nila Anthony at Hayley: magkaibigan sila mula grade 1, nagkagusto si Hayley kay Anthony ng sila'y pumasok sa high school, bago mag-graduate ng high school nagtapat si Anthony kay Hayley na mahal niya siya mula pa ng third year at naging sila noong summer bago magstart ang college life nila. Hindi naman naging perpekto ang relasyon nila dahil may mga pagkakataon na nagagalit si Hayley kay Anthony o nagtatampo si Anthony kay Hayley, pero tipikal lang naman na mag-away ang isang mag-boyfriend/girlfriend paminsan-minsan. Hindi nga naman talaga yun maiiwasan.
"Ano ba yan, lagi ka na lang ganyan sa akin." reklamo ni Hayley kay Anthony habang magkausap sila sa telepono.
"Ay sus naman. Parati ka na lang nagrereklamo at sinasabi mo na wala akong oras para sa'yo. Konting intindi lang naman Hayley. Alam mo namang para sa school to eh. Naka-OJT na ako. Ilang beses ko bang uulitin yun sayo." sagot ni Anthony ng halos iritado na kay Hayley.
"Oo nga, alam ko pero kahit saglit lang naman sana tayong magkasama ulit. Wala ka ng ibang inatupag kundi yan. Parang hindi ko na nararamdaman na mahal mo ako."
"Pwede ba, Hayley, wag kang mag-isip ng ganyan. Ang hirap ko ng binubudget ang oras ko para sa'yo."
Nag-sagutan ang dalawang buong magdamag. Ito na ang pinakamatindi nilang away mula ng sila'y naging mag-syota. Iniisip nila pareho na kapag patagal ng patagal ang kanilang relasyon ay mas tumitindi ang kanilang mga ayaw. Ngunit kahit ganoon, pinipilit nilang kayanin ang kahit ano mang dumating sa kanila. Si Hayley, bilang isang babae, ay hindi kinakaya ang mga ganitong uri ng sitwasyon. Hindi niya naman tinatakasan. Hinahanapan niya na lang ng paraan para umayos ang kalagayan nila ni Anthony. Dahil sa sobrang pag-aaway nila ay napagdesisyonan ni Hayley na personal na lang siyang magso-sorry kay Anthony at pupuntahan niya si Anthony sa bahay nila. Isusurpresa niya si Anthony at susubukang ayusin ang nangyari sa kanila. Nagpaalam si Hayley sa mga magulang na aalis siya kahit dis-oras na ng gabi. Pinalusot ni Hayley na biglaang kailangan niyang bumalik sa eskwelahan at may aasikasuhin. Tumungo na siya sa bahay ni Anthony.
May pasok na kinabukasan. Nakarating na si Anthony na school ng maaga at hinihintay niya si Hayley. Tinext niya ng nakaraang gabi si Hayley at sinabi niyang magkita sila sa school main gate. Hinintay ni Anthony si Hayley na makarating sa loob ng school pero hindi niya nakita. Nang-ring na ang bell, wala pa rin si Hayley. Mahirap nga naman pag late ka sa college, nauna na siya at sinabi sa sarili na titignan niya na lang si Hayley pag break time niya. Halos magkatugma naman sila ni Hayley ng schedule. Matapos ang ilang mga klase ni Anthony ay break time na niya. Tinext niya si Hayley na magkita sila sa cafeteria pero walang sinasagot si Hayley. Ilang beses din tumatawag si Anthony kay Hayley hanggang sa wakas ay sinagot na ni Hayley ang kanyang phone.
"Nasaan ka na? Kanina pa kita hinihintay. Tinetext kita kagabi pa pero hindi ka naman sumasagot." sabi ni Anthony kay Hayley.
"Sorry. Hindi ako pwede ngayon." sagot ni Hayley at sabay baba ng kanyang phone.
"Hello? Hello? Hayley! Bwisit." huling salita ni Anthony. Nagalit nanaman siya noon at ibinagsak ang kanyang phone. Galit siyang iniisip kung ano nanaman ang problema ni Hayley. Noong hapon na ay may dalawang natitirang klase si Anthony. Napansin niyang nai-off pala ang phone dahil binagsak niya kanina. In-on niya ang kanyang phone at isa-isang pumasok ang mga messages niya. Maraming mga pumasok, pero wala ni isa na galing kay Hayley. Mas lalo siyang nairita. Itetext niya na ulit sana si Hayley nang biglang tumawag nanay ni Hayley sa kanya.
"Iho, magandang hapon. Uhm, nakita mo ba ngayon si Hayley?" tanong ng nanay ni Hayley kay Anthony.
"Hindi po, tita , eh. Kanina ko pa siya tinetext at tinatawagan. Sinagot niya yung isang tawag ko kanina pero sabi niya lang na hindi siya pwede ngayon. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi yon. Bigla din niya lang binababa yung phone niya kanina." sagot ni Anthony.
"Ah ganon ba, iho. Nag-aalala na kasi ako sa kanya. Hindi pa siya umuwi mula kagabi. Tinetext ko siya pero hindi din niya sinasagot mga text ko. Ang sinabi kasi niya babalik lang siya sa school kagabi kasi may aasikasuhin daw. Akala ko naman kasama mo siya kagabi o tumungo man lang siya sa bahay niyo."
"Ay. Hindi po siya pumunta sa amin kagabi eh. Uhm...wag niyo po sana mamasamain tong ideya ko pero kasi subukan na kaya nating ireport siya sa pulis. May 24 hours na po ba?"
"Wala pa naman, pero pwede naman na tayong magpatulong sa kanila. Sana naman walang nangyaring masama sa kanya." nagbabakasakaling huling salita ng nanay ni Hayley.
Matapos ng ilang oras ay tumungo si Anthony sa police station at humingi ng tulong sa mga pulis nang bigla nilang sinabi, "Iho, sinabi mo bang ang hinahanap mo ay isang Hayley...Villafuerte?"
"Opo, sir. Magpapatulong po ako sa inyong hanapin siya." sagot ng binata.
"Naku, iho. Wag kang mabibigla ah pero...nagawan na namin siya ng police report. Nahanap lang siya kagabi dun sa may waiting shed. Akala ng mga nakakita na nalasing lang at natutulog siya. Pero nagulat sila ng makitang patay na pala siya at may dugo sa bandang baba ng kanyang katawan. Mukhang ni-rape lang siya kagabi. Wala naman kasing nanakaw sa kanya. Nasa kanya pa yung phone at yung natirang pera niya. Alam ko, iho, nakakabigla para sayo. Pero..."
"Tama na po, sir." sagot ni Anthony na halos maluha sa kanyang narinig. "Naiintindihan ko po. San ko po siya pwedeng makita?"
"Tinawagan na namin ang kanyang magulang ngayon-ngayon lang. Pinunta na siya sa punerarya."
"Sige ho, salamat sir." sabi ni Anthony ngunit naalala niyang noong tumawag siya kanina ilang oras lang ang nakaraan ay sumagot si Hayley sa tawag niya. Nakakapagtakang namatay si Hayley ng gabi bago ng araw na iyon, pero may sumagot naman sa phone niya.
"Sir, nasaan po yung phone ni Hayley?" tanong ni Anthony sa pulis.
"Tinatago namin para ebidensya, in case na magtawag ng kaso ang mga magulang niya." sagot ng pulis.
"Pwede ho bang makita ko ng isang huling beses...?"
"Hmm...pwede naman, iho. Pero hanggang dito lang. Hindi mo pwedeng ilabas yung phone niya. Magsuot ka din ng gloves na ito para hindi ma-trace ang fingerprints mo pag iimestigahan yung kaso."
Pumunta si Anthony at ang pulis kung saan itinago ang phone ni Hayley. Hinawakan kaagad ni Anthony ang phone ni Hayley ng makita niya. Kinalkal niya ang phone nagbabakasakaling may mahanap. Tinignan ni Anthony ang call register ni Hayley at nakita maraming numero na tumawag sa kanya noon gabi at kahit kaninang umaga. Nagulat si Anthony ng nakitang received call nga ang tawag niya kanina. "Sir, may humawak po ba ng phone ni Hayley kaninang mga malapit mag-alas dose?" tanong ni Anthony sa pulis.
"Huh? Wala naman, iho. Ikaw pa lang yung nakahawak sa phone niya mula ng ma-retrieve itong phone niya kagabi." sagot ng pulis.
"Ah, ganoon po ba? Kahit sino po bang officer hindi sumagot sa kahit ano sa mga tawag niya?"
"Wala, iho. Walang pwedeng makapasok dito kundi ako lang. Ako lang ang nag-iisang may susi rito eh."
Sa pagkakataong iyon, nagtaka at nangilabot si Anthony. Paano naman naisagot ang tawag niya kay Hayley kung noong gabi pa lang patay na siya? Tanong na gumagambala kay Anthony buong araw na iyon.

Sunday, October 16, 2011

Scary Story 6:

Pasukan na ng mga estudyante sa high school at excited na excited si Isabel. Papasok na siya sa taong iyon bilang isang second year student. Mahilig si Isabel sa musika, kung kaya't sumali siya sa school choir at sa glee club ng eskwelahan niya. Napaka-aktibo niya tuwing may praktis sila ng mga kasama niya; maggigitara at kakanta siya sa harapan ng kanyang mga kasama at sila'y nabibilib sa kanyang galing.
Dahil isang Katolikong eskwelahan ang pinapasukan ni Isabel, ang choir ay naghahanda para sa kanilang pagkanta sa nalalapit na first Friday mass. Ang mga practices nila sa choir ay tuwing pagkatapos ng klase, mga alas-kwatro ng hapon hanggang alas-singko. Minsan pag tingin ng teacher nila na kulang ang effort na pinapakita nila sa practice, nage-extend sila hanggang alas-seis ng gabi, at madilim na sa oras na iyon. Laging sa music room nagpra-practice ang choir.
Isang hapon nang matapos na ang klase, dumeretso na sa music room si Isabel kasama ang ilan niyang mga kaklase na kasama sa rin sa choir. Napaaga sila ng punta roon kung kaya't nagkwentuhan na lang muna sila habang hinihintay nilang dumating ang kanilang teacher para buksan ang music room. Umupo lang silang magkakasama sa harapan ng music room. Ang iba ay pansamantalang naghanda, ang iba ay nakikwento na kina Isabel. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin ang teacher nila at binuksan na ang music room. Isa-isang pumasok ang mga miymebro ng choir at umupo sila sa kanilang mga dapat upuan. Si Isabel ay may mga dalang gamit kung kaya't bago siya umupo sa kanyang lugar ay iniwan niya sa sulok ng music room ang mga hawak niyang notebooks. May apat bakanteng upuan sa pinakalikod at nilapag niya ang kanyang notebooks sa pangalawang bakanteng upuan samantalang ang mga kasama niya ay iniwan ang mga gamit sa harapan, kasama ng mga bag nila at iba pang mga gamit. Tumungo na si Isabel at ang kanyang mga kasama sa kanilang mga lugar at nagpraktis na. Nagpraktis lang sila ng nagpraktis ng ilang oras at inabot na sila ng gabi. Lampas 6 na sila natapos noon.
"Hay salamat tapos na din tayo magpraktis. Nangangalay na akong nakatayo kanina dahil lang kay Miss. Kung bakit kasi kinailangang patayuin niya tayo habang nagprapraktis." sabi ni Isabel sa kanyang kasama.
"Oo nga eh. May patayo-tayo pang nalalaman." pagsang-ayon ng kasama niya.
"Tara na, uwi na tayo. Baka mapagalitan pa ako ng mama ko at mapapa-late nanaman akong uwi. Kunin ko na muna gamit ko."
"Sige lang."
Kukunin na sana ni Isabel ang mga gamit niya ng nagtaka siyang bakit napunta sa sahig ang mga notebook niya. Inaalala niya kung nahulog ba pero wala naman siyang narinig na nahulog habang nagprapraktis sila pero wala naman siyang naaalala. Mas nagtaka siya kung paano napunta ang mga notebooks niya sa sahig ng nakaayos, eksaktong kung paano niya inilapag ang mga notebooks niya sa upuan.
"Walang hiya naman, sino naman daw yung gumalaw ng mga notebooks ko oh?!" nairitang tanong ni Isabel.
"Bakit, anong problema?" tanong ng kasama ni Isabel.
"May nangialam ng gamit ko. Yung mga notebooks ko nilapag ko dito sa upuan tapos biglang napunta sa sahig. Ano naman daw na trip yun?!"
"Hayaan mo na, baka pinagtripan ka lang ng mga boys kanina. Alam mo naman yung mga yun, mga loko-loko."
"Sabagay. Hmp! Tara na, sobrang dilim na. Nakakatakot pa man din yung daan sa amin pauwi."
Binalewala na lang ni Isabel ang nangyari at inisip na talaga ngang may gumalaw sa gamit niya. Sa mga sumunod na araw ng practices ng choir, hindi talaga naiwasan ni Isabel na maglalapag ng mga gamit sa mga upuan sa sulok ng music room. Books, notebooks, at kung ano pang mga papeles ang inilalapag niya ngunit pag kukunin na niya pagkatapos ng praktis ay biglang nalilipat sa ibang lugar. Minsa'y nakikita niyang naroon na malapit sa piano, minsan sa sahig ulit, minsan napupunta pa sa loob ng cabinet.
"Buwisit naman, nakakairita na talaga eh!" galit na sinabi ni Isabel. "Lagi na lang pag nag-iiwan ako ng gamit dito sa sulok, may naglilipat. Ang laki naman ng problema ng mga boys dito."
"Oh bakit ang laki ng galit mo sa amin?" tanong ng isang lalaking kasama ni Isabel sa choir.
"Panong hindi ako magagalit eh parati na lang ninyo ginagalaw yung mga gamit ko?!" galit na sagot ni Isabel sa lalaking nagtanong.
"Anong ginagalaw namin? Nakita mo ngang nandun kami sa harapan lagi malapit sa drum set at mga gitarista tapos sasabihin mo ginagalaw namin? Wala naman kaming ginagawa kaya."
"Eh di pano ngarod lumilipat yung mga gamit ko? Alangan lumilipad."
"Ewan namin sa'yo basta kami nananahimik. Ang taray pa man din ni Miss pagdating saming mga boys kaya hindi kami nagloloko."
Iniwan na si Isabel sa sulok at siya'y nagagalit pa rin, pero nagtataka din. Kung hindi nga naman yung mga boys ang gumagalaw, eh di sino? Takang taka si Isabel hanggang sa lumapit sa kanya ang isa niyang kasamahan at tinanong kung anong nirereklamo niya.
"Kasi nga may gumagalaw ng mga gamit ko. Biglang lipat ng lipat kung saan-saan, wala namang gumagalaw." sabi ni Isabel.
"Ah. So hindi mo nakikita." sabi ng kasama ni Isabel.
"Nakikita sino? Yung gumagalaw ng mga gamit ko? Sino dito sa choir yung gumagalaw ng mga gamit ko? Pakisabi mo naman sa akin. Talagang naiirita na ako."
"Pwede ko naman sabihin sayo pero hindi natin kasama yung gumagalaw niyan."
"Huh? Anong ibig mong sabihin?"
"Bata. Isang bata nakikipaglaro sayo. Nakikita ko tuwing lilingon ako dito sa likod. Patakbo-takbo yung bata, nanggagalaw ng mga gamit mo. Hindi lang kaya yang mga notebooks mo, pati yung piano tinutugtog niya pag walang tao dito." sabi ng kasama ni Isabel.
"Uy wag ka naman nananakot. Ayoko ng ganyan." sagot ni Isabel.
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta sinagot ko naman yung tanong mo kung sino yung gumagalaw ng mga gamit mo."
Pinilit ni Isabel na hindi talaga maniwala sa sinabi ng kanyang kasama ngunit medyo nagdadalawang-isip siya. Kung kaya't sumunod na araw, habang nagkaklase pa ay nagpalusot siya sa teacher nila na magc-CR lang siya pero ang talagang tutunguhin niya ay ang music room para tignan kung meron nga talagang bata o kahit anong naroon. Naglakad papuntang music room si Isabel at nakitang bukas ang mga kurtina kung kaya't sumilip siya sa loob. Laking gulat niya ng may nakita siyang batang babae na naka-dress na puti na may kulot ang buhok at naka-headband na patakbo-takbo sa loob ng music room at umupo sa harapan ng piano. Nangilabot si Isabel ng narinig na tumugtog ang bata ng isang nakakatakot na symphony. Hinayaan niyang tumugtog ang bata at patakbong bumalik sa kanyang classroom punong-puno ng takot. Dumating pa rin siya sa huling practice nila ng hapon na iyon at sinubukang hindi alalahanin ang nakita niya. Malakas ang loob ni Isabel na pinatong pa rin ng huling beses ang mga notebooks niya sa bakanteng upuan sa likod para makita kung ito'y magagalaw ulit. Natapos ang huling praktis nila at maaga silang pinauwi ng kanilang teacher. Kukunin na ni Isabel ang kanyang mga notebooks at ito'y nakita niya na nakapatong pa rin kung saan niya unang nailapag pero nakabukas ang notebook niya na nasa unahan at may nakasulat: Alam kong narinig mo ako kanina sa piano. Maganda ba?

Saturday, October 15, 2011

Scary Story 5:

"Nakakaboring naman magbiyahe papuntang Manila. Ilang hours din yun ah." sabi ni Willea sa kanyang ina.
"Hay nako Willea puro ka reklamo basta pupunta ka sa ibang lugar." iritadong sinabi ng ina ni Willea.
"Totoo naman. Kung bakit kasi kailangan ko pang sumama kay Tita Mina sa work niya eh business trip naman kasi yun. Ano namang gagawin ko eh hindi naman ata ako nagtratrabaho o kahit PA man lang niya."
"Pwede ba Willea, sumama ka na lang. Kailangan niya nga ng kasama dahil mag-isa niya lang doon sa condo unit na nirerentahan ng kompanya niya."
Pinagdebatihan ng mag-ina halos buong hapon ang pagsama ni Willea sa kanyang tita Mina. Ayaw na ayaw ni Willea ang bumabiyahe. Biyaheng mula Baguio hanggang La Union pa lang sobra na kung magreklamo, Baguio to Manila pa kaya. Kinatatamaran niyang gawain ito sapagkat para sa kanya, sayang ang oras sa pagbiyabiyahe. Uupo ng ilang oras, magtetext ng magtetext at maglalaro lang sa kanyang PSP sa buong biyahe. Wala halos kinakausap sa kotse maski kinukulit na siya ng nanay at kanyang mga nakakatandang kapatid. Bandang huli, pumayag na rin si Willea. Dalawang araw matapos iyon ay tumungo na ng Manila si Willea kasama ang tita Mina niya.
Sa isang condominium sa Ortigas ang lugar kung saan mananatili sina Willea at ang kanyang tita, isang unit na nabili ng kompanyang pinagtratrabahuan ng tita Mina niya. Nasiyahan si Willea pansamantala dahil sa unang pagkakataon ay mararanasan niya ang condo living. Iyon na lang ang naging motivation niya para manatili sa tita niya. Sa 14th floor ang unit na pansamantalang titirhan ni tita Mina. Nang buksan ng tita ni Willea ang condo unit na iyon ay may mga nakitang nag-uusap sa dining room--mga katrabaho kanyang tita sa kompanyang pinagtratrabahuan.
"Ah., dumating ka na din. Mamayang 8pm pa yung meeting natin. Dun tayo sa 17th floor. Dun yung sinabi ni Ma'am eh." sabi ng isang katrabaho ng tita ni Willea.
"Ah ganon ba? Sige. Salamat. Buti na lang sinabi niyo." tugon ni tita Mina. "Siya nga pala, ito si Willea, ang pamangkin ko. 16 na siya, sinamahan lang ako ngayon. Hindi kasi ako sanay na maiiwan dito mag-isa."
"Aba, ang ganda naman ng pamangkin mo at dalagang-dalaga na." sabi ng isa pang katrabaho ng tita ni Willea. Napangiti naman siya sa sinabing iyon. "Okay lang naman na nandito siya, basta wala lang magagalaw o masisira. Yun lang naman ang policy na sinabi ni Ma'am di ba?"
"Oo, alam naman na ng pamangkin ko iyon."
Matapos ng mga introduksyon na iyon ay tumungo na sina Willea at ni tita Mina niya sa kanilang pagtutulugang kwarto. Sa Master's Bedroom sila tutuloy sa mga araw na mananatili sila roon. Nilapag nila ang kanilang mga gamit at mga bag sa isang sulok at inikot ni Willea ang kwarto. Inikot niya at wala namang napansing iba. Sa katunayan ay maaliwalas nga tignan. Ang Master's Bedroom lang na iyon ang nag-iisang kwarto na may gumaganang aircon; ang natitirang apat na iba pang mga kwarto kwarto ay electric fan lang ang pwedeng gamitin. "Wow, ang swerte naman ito pa ang kwartong napunta sayo tita." sabi ni Willea.
"Oo nga eh. To think na ito lang yung kwartong may gumaganang electric fan." sabi ni tita Mina. "Tara na sa sala. Upo ka na lang muna doon sa sofa. Mag-uusap lang kami ng mga katrabaho ko. Gamitin mo na muna ang laptop ko. Mag-facebook ka na lang muna. Hindi ko pa naman yan gagamitin ngayong oras." Tinanggap ni Willea ang pinapahiram na laptop ng tita niya sa kanya at bumalik na sila sa sala. Ilang oras ang nakalipas at napansin na lang nilang lahat na ilang minuto na lang at 8:00 na. Nauna nang pumunta ang tita ni Willea at iniwan siya roon sa condo unit at hiningi na ulit ang laptop.
"Wag kang mag-alala Willea, maiiwan naman dito yung isa pang kasama ng katrabaho ko. Dala kasi ng katrabaho ko yung anak niyang baby pa lang. May kasama siyang yaya na mag-aalaga sa anak niya. Kung sakaling may kailangan ka daw, sabihin mo lang daw sa yaya." bilin ng tita ni Wilela sa kanya.
"Oo tita. Don't worry." huling sabi ni Willea at matapos noon at umalis na ang kanyang tita Mina kasama ang mga katrabaho. Naiwan lang siya kasama ang yaya at ang anak ng ktrabaho ng tita niya.
"Iha, papatulugin ko lang itong anak ng amo ko. Hindi pala hiyang ng baby ang mainit na lugar. Okay lang ba na doon muna kami sa kwarto ng tita mo para lang mapatulog ko itong baby?" tanong ng yaya kay Willea.
"Ah sige lang po. Hindi pa naman po ako matutulog. Kakatakot na lang po ako sa inyo mamaya." sagot ni Willea.
"Sige, iha. Salamat ha." tumungo na ang yaya karga ang baby papunta sa Master's Bedroom. Naiwan si Willea mag-isa sa sala at nanood lamang ng TV at hawak ang kanyang phone. May pumasok na text message na galing sa kanyang ina, nangangamusta sa kalagayan niya. Sabi ni Willea na ok lang naman siya at medyo masaya naman siya sa Manila. Tamang-tama na nai-send na niya ang reply sa kanyang nanay ay may narinig siyang tumutunog sa loob ng kusina. May gumagalaw sa knob ng stove. Naririnig niya lang naman iyon at hindi na pinansin. Inisip niya na lang na baka sa TV lang iyon dahil nakalagay sa isang cooking channel ang kanyang pinapanood. Nilipat ni Willea sa ibang channel at naghanap ng mas magandang pwedeng panoorin. Tumigil siya sa isang palabas na pangbata at iyon na lang ang kanyang pinanood. Nakalipat na siya pero naririnig pa rin niyang may gumagalaw sa knob ng stove. May nag-iikot doon ng walang tigil. Takot na may halong pagka-irita si Willea at sabay tumayo para tignan kung ano ba yung nasa kusina. Sisilip pa lang si Willea ng biglang narinig niyang may bumagsak na kaldero mula sa kusina. Tila parang may galit na taong nagbagsak sa kalderong iyon. Nagulat at nataranta si Willea at diretsong tumakbo papunta sa Master's Bedroom. Dali-dali niyang binuksan ang pintuan at nakitang nakahiga lang sa kama ang yaya at ang baby na mahimbing na natutulog.
"Oh, iha, bakit? May problema ba? Bakit ka tumakbo papunta dito?" tanong ng yaya kay Willea.
"Ah? Wala po. May naalala lang po akong kunin dito sa kwarto." pasimpleng sagot ni Willea sa yaya. Nagkunwari siyang naghanap ng gamit na kanyang hinahanap. Kunwari niyang hinalughog ang mga gamit na naroon at nanatili siya sa loob ng kwarto ng limang minuto.
"Sa wakas nahanap ko na din tong charger na to. Kanina ko pa hinahanap." palusot ni Willea sa yaya. "Sige, ya, balik na po ako sa sala."
"Sige lang, iha. Dito lang kami." sabi ng yaya.
Malakas ang loob ni Willea na binuksan ang pintuan at buong tapang na bumalik sa sala. Tinignan niya ang kusina ngunit wala namang nahulog. "Hay salamat wala na. Pinagpawisan pa ako dun." sabi ni Willea sa sarili. Bumalik na siya sa kinauupuan niya. Umupo siya at buong akala'y tapos na ang nangyari nang biglang may puting tao na mabilisang dumaan sa harapan niya. Mas lalong natakot si Willea at tumakbo pabalik sa Master's Bedroom. Iniwan na niyang naka-on ang TV at hinayaan ng ganon. Hindi niya sinabi sa yaya ang nangyari at sinabi na lang na matutulog na siya. Nakuha niyang matulog ng gabing iyon at iniisip na safe siya dahil ilang oras na lang ay babalik na ang tita niya at kasama niya naman ang yaya ng katrabaho ni tita Mina.
Sumikat na ang araw, nagising si Willea nakita na lang niya na katabi na pala niya sa ang kanyang tita Mina. Wala na ang yaya at ang baby dahil sumama na sila sa pag-uwi ng amo. Makaraan ang ilang minuto nagising na rin ang tita ni Willea.
"Tita, gising ka na pala. Anong oras ka dumating?" tanong ni Willea.
"Hmm? Mga 11:30 na ako nakabalik dito." sagot ng kanyang tita habang tumatayo sa kama. "Ano ngay, kumusta kagabi nung kasama mo yung yaya ng katrabaho ko? Bibisita sila dito mamaya, magdadala sila ng umagahan natin."
"Ah ganun ba. Okay, tita. Yung kagabi? Uhm..." biglang naalala ni Willea ang nangyari sa kanyang kinatakutan niya.
"Wala kang ibang naramdaman o nakita?" tanong ng kanyang tita.
"Meron, tita. Grabe! Natakot talaga ako dun. Ilang beses ako tumakbo papunta dito sa kwarto para lang takasan yun," tarantang sagot ni Willea.
"Kaya nga ayokong naiiwan dito mag-isa pag may business trip kasi may nangyayaring ganoon. Wag mong mamasamain, iha, pero hindi kita sinama dito para maranasan yun. Kailangan ko lang talaga ng kasama, hindi ko lang naisip na baka mararanasan mo yung katatakutan dito."
"Bakit tita kayo din may naranasan dito?"
"Oo. Nung unang beses ko dito tapos mag-isa ko pa, nandun lang ako sa CR biglang may gumagalaw ng knob ng stove sa kusina. Nakakataranta kaya yun. Sabi ng mga katrabaho ko meron daw talaga ritong...alam mo na...kaya walang naglalakas-loob sa kanila na matulog dito pag gabi. Hanga nga ako sayo dahil mahimbing tulog mo eh. Ako ilang beses nagising ng madaling araw dahil may gumigising sa akin. Akala ko pa nga ikaw yun pero pag magigising ako, hind naman pala. Ang himbing mong natulog kagabi."
"Kinilabutan naman ako, tita. Bakit ba kasi may...ano...dito?" tanong ni Willea.
"Siguro kasi hindi to masyadong nao-occupy. Kasi sa isang buwan, isa o dalawang beses lang may dumarating dito. Siguro nabahayan na kaya ganon."
Nang nalaman iyon ni Willea ay nangako siya sa sarili niya na iyon ang una at huling beses na tatapak siya sa condo unit na ganon. Bumangon na sila at saktong kumatok sa pintuan ang katrabaho ng tita ni Willea at kanilang pinapasok sa loob ng condo unit na iyon. Nagkwentuhan silang lahat at napakwento si Willea sa nangyari sa kanya noong nakaraang gabi. "Sabi ko na nga ba may ganyan nanaman na nangyari eh." sabi ng katrabaho ng tita ni Willea.
"Oo nga, sa pamangkin ko pa." wika ni tita Mina.
"Ikaw ngay, ya, may naramdaman ka ba kagabi?" tanong ng katrabaho ni tita Mina sa yaya.
"Ma'am? Wala naman ho. Ah, yun nga lang kagabi habang pinapatulog ko si junior at nilagay ko siya sa kama, para bang may tinuturo siya sa likuran ko na hindi ko alam kung ano o sino. Nakangiti pa si Junior habang may tinuturo. Tuwing lumilingon ako wala namang tao sa likod. Tsaka bigla ding nag-iiba yung lamig sa aircon pala. Nung una malamig tapos biglang iinit tapos lalamig nanaman. Ewan ko po ma'am pero nakakapangilabot talaga doon." sagot ng yaya sa amo.
Bago magtanghali ng araw na iyon ay naghanda na sila Willea at ng tita niya na lumipat na lang sa isang murang hotel. Mas pipiliin nilang ganoon kaysa manatili sa condo unit. Umalis na sila at tumatangging bumalik sa unit doon. Hindi na nila inalam ang misteryo sa likod ng condo unit kung bakit may nanirahan doon, at wala na silang balak malaman pa.
- E N D -

Scary Story 4:

Napaka-active ni Mark sa mga bible studies, youth orientations o kahit ano pa may kinalaman sa Diyos. Kasama pa nga si Mark sa isang youth organization na sinalihan niya nung high school pa siya. Sa ngayon, isang Radtech student sa kolehiyo si Mark. Kahit na sobrang busy na sa mga assignments si Mark ay nahahanapan pa rin niya ng oras na um-attend sa mga ganitong klaseng mga activites.

Isang youth covenant orientation ang aatendan ni Mark ng weekend na iyon. Ngunit bago siya pumunta sa covenant orientation ay naisipan niyang tumigil muna sa isang chapel malapit sa bahay nila. Ang chapel na iyon at bagong tayo lang at gusto niyang pasukan talaga iyon. Pinasok niya ang chapel at umupo siya sa pinakahuling upuan sa kanan, malapit sa hadganan. Lumuhod siya at taimtim na nagdasal. Marami siyang mga kasamang nagdadasal sa loob ngunit halos lahat ay matatanda o may edad na. Ano nga ba ang aasahan, kokonti na lang na mga kabataan ang naglalaan ng oras para bumisita sa mga chapel o sa simbahan.

Matapos magdasal si Mark ay umupo muna siya at tinignan ng mabuti ang altar. Napangiti siya ng makita niya ang mga imahe ng Diyos, ng Birheng Maria at ang mga anghel. Masaya rin siyang tinignan ang mga pintura at mga istatuwa ng mga santo sa gilid. Tinignan niya ang kanyang relo at nakitang maaga pa para umalis. Naisipan niyang manatili lang muna sa loob ng chapel. Tinignan niya ang mga taong nasa loob ng chapel. Halos lahat ay nakaupo, ang iba nasa altar, ang mga bata halos magtakbuhan sa center aisle ng chapel. May mga matatandang babaeng nagrorosaryo roon sa harapan malapit sa altar. Napansin iyon ni Mark. Tinignan niya sila ng mabuti, hanggang sa napansin niyang may isang matandang babae na mabagal naglakad sa center aisle. Nakabelo ito ng brown at patuloy lang na naglakad paharap hanggang sa siya’y tumabi sa ianim na mga matatandang nagrorosaryo.

“Ah, so kasama ng mga matatanda pala yun. Grabe naman nagulat pa ako dun. Parang sa isang sine kasi naman.” Sabi ni Mark sa kanyang sarili. Sumaglit pa siya doon hanggang sa tinignan niya ang kanyang relo at umalis na para puntahan ang youth covenant. Sumunod na araw ay may klase na. Naalala ni Mark ang matandang kanyang nakita na dumaan. Itinawa pa niya dahil pakiramdam niya talaga na parang isang scene iyon sa sineng napanood niya matagal na. Papunta na ng eskwelahan si Mark ng napadaan muli siya sa chapel. Masyado nga namang relihiyoso si Mark kung kaya’t sumaglit muli siya roon. Umupo siya uli kung saan siya umupo noong nakaraang araw. Maagang-maaga pa lang noon ay may tao na sa loob ng chapel. Nakita uli ni Mark ang mga matatandang nakita niya na nagrorosaryo ng nakaraang araw, ngunit ngayon ay tatlo pa lang sila. Kasama doon ang matandang babaeng nakita niya na nakabelo. Brown pa rin ang belo noong matanda. Mga limang minuto lang siya sa loob ng chapel at umalis na matapos magdasal. Dumeretso na siya sa eskwelahan.

Naging ganito ang routine ni Mark tuwing may klase at may pupuntahan. Bago umalis ay sasaglit muna para magdasal at laging makikita ang mga matatandang nagrorosaryo. May mga araw na kumpleto silang anim, may mga araw na nababawasan. May mga dahilan naman siguro ang mga matatandang hindi nakakapunta sa dasal minsan. Ngunit ang laging nakikita ni Mark na hindi nag-‘absent’ sa dasal ay ang matandang nakabelo ng brown. Bagama’t brown lagi ang belo ng matanda ay pa-iba-iba naman ng disenyo ang mga belo niya araw-araw.

“Matibay si lola ah. Kung sa college lang siya, siguro hindi madro-drop ang class card niya.” Pabiro niyang sinabi. Hanga si Mark sa sipag ng matandang nakabelo ng brown. Isang araw bago pumunta si Mark sa eskwelahan, sumaglit muli siya sa chapel. Laging sa iisang lugar lang siya umuupo. Napatingin siya sa mga matatandang nagrorosaryo at napansin na anim lang sila. “Asan kaya si lolang nakabelo ng brown?” tanong ni Mark sa sarili. Hinintay niya na dumating ang matanda. Malapit ng magsimula ang klase ni Mark ngunit hindi talaga dumating. Umalis na siya at pumunta na sa eskwelahan. Late na dinismiss si Mark sa kanyang klase kung kaya’t inabot na siya ng gabi sa pag-uwi. Bago siya umuwi ay sumaglit muli siya sa chapel para tignan kung dumating ang matandang nakabrown na belo. Pumasok siya ngunit sa pagkadismaya ay wala doon ang matanda. Ngunit naroon pa rin ang mga matatandang mahilig magrosaryo ngunit ngayon ay nagkwekwentuhan na, tapos na silang magdasal.

“Grabe tong mga matatandang ito, buong araw nandito lang sila sa chapel. Sabay kumpleto pa silang anim” Sabi ni Mark. Lumapit siya sa mga matatanda at nagtanong sa kanila, “Magandang gabi po sa inyo mga lola. Pasensya kung maitatanong ko, pero nasaan po si lolang nakabrown na belo? Yung lagi pong tumatabi sa inyo at maagang dumarating dito?”

Nagtinginan ang mga matatanda sa isa’t isa, nagtataka. Sabi ng isa, “Iho, sinong babaeng nakabelo ng brown? Kami-kami lang naman lagi ang magkakasama rito.” Napaatras si Mark at nagulat sa sinabi ng matanda sa kanya. Lumamig ang paligid ni Mark at paalis na siya. Lumingon siya at laking gulat niya nang makita niya na ang matandang naka-brown na lagi niyang nakikita ay ngayon nakaupo sa kinauupuan lagi pag siya’s bumubusita. Napatakbo si Mark papalabas ng chapel gamit ang isa pang labasan, puno ng takot at taranta.

- E N D -

Wednesday, October 12, 2011

Scary Story 3:

Isang Hotel, Restaurant and Resorts Management (HRRM) student si Alden sa isang sikat na university. Naka-OJT siya noon at in-assign si Alden sa isang resort kung saan siya ay magtratrabaho at magprapractice sa kanyang napiling kurso. Excited si Alden dahil matagal na niyang inantay ang pagkakataong to.

Nagpaalam si Alden sa kanyang mga kaibigan at pamilya at binilin sa kanya na pagbalik niya ay dapat na may pasalubong siya. Kasama niya si Mike noon, ngunit pansamantalang bakasyon lang at dahil nais din makita ni Mike ang sakaling gagawin ni Alden sa kanyang OJT. Bumoyahe na sila ng gabing iyon.

Nakarating sila sa resort umagang-umaga at agad silang pinadiretso sa kanilang mga pagtutulugan. Nagtulungan sina Alden at Mike na mag-ayos ng mga gamit. Sa sobrang excitement, sinabi ni Mike kay Alden, "Ui tara dun sa swimming pool! Bilisan mo! Kaya nga ako nagpunta dito eh! Dali!"
"Oo, nandyan na! Sandali lang kasi. Kaya laging naiirita sayo si Willea pag may pinupuntahan tayong ganito eh. Masyado kang nagmamadali." sagot ni Alden kay Mike.

Nagpunta na sila sa may swimming pool at nag-enjoy lang ng araw na yun. Feeling pa nga ni Alden na siya rin nagbabakasyon eh. Nagsiyahan lang sila mula umaga hanggang gabi ng kaibigan niyang si Mike. Nang malapit na silang matulog ay may inutos na kay Alden na gawain. Kailangan niya daw linisan ang kiddie pools at siguraduhing malinis ang paligid doon sa resort. "Ano ba naman yan. OJT pala ah..? Pumunta ako dito para magpractice sa profession ko, hindi para maging isang janitor," reklamo ni Alden habang papunta sa kiddie pool at kukuha ng panlinis.
"Uy, mauna na ako sa loob ng cabin. Pagod na ako. Hindi pa ako nakakain. Sunod ka na lang pagkatapos mo sa janitorial...este...managerial work mo. Hahaha" painsultong sabi ni Mike kay Alden.
"Ha-ha nakatuwa. Kunyari tumawa ako. Oo na, mauna ka na. Alam ko namang miss mo lang si Willea kaya tatawagan mo siya agad."
"Hoy hindi rin ha. Sabi niya lang kasi na tawag daw ako siya ngayong gabi. Pero hindi ko siya miss noh."
"Asus pasimple ka pa. Sige na una, ka na. Kaya ko na to."

At doon, nauna na nga si Mike. Naiwan si Alden sa kiddie pool na ginagawa ang kanyang trabaho. Habang siya'y nagtratrabaho, nakuha ang atensyon niya ng may nakita siyang babaeng naka-polo shirt, nag-iisang naglalakad sa gilid ng kabilang pool. Mukhang malungkot ang babae at biglang hinulog ang sarili sa pool. Tumakbo si Alden diretso sa pool kung saan hinulog ng babae ang sarili niya. Sinubukan niyang salbahin ang buhay ng babae. Ginawan niya ng paraan para manatiling buhay ang babae at ginamitan din ng first aid na kanyang natutunan sa klase. Muli nagising ang babae at nakita ni Alden na humihinga na uli. "Anong nangyari?" pilit na tanong ng babae kay Alden.
"Hinulog mo sarili mo sa pool. Ok ka lang ba miss? Hindi ka naman siguro nababaliw noh?" sabi ni Alden sa babae.
"Ay oo naaalala ko. Sorry ha kung nataranta kita. Magulo lang kasi talaga ang isipan ko. Iniwan kasi ako ng boyfriend ko eh."
"Ang lungkot naman noon miss. Iiwan niya ang isang magandang tulad mo? Sana nahiya naman siya."
"Di bale na, ok lang yun. Oo nga pala, ako pala si Jen. Salamat ha, savior kita." napangiting tugon ng babae kay Alden.
"Walang anuman. Ako nga pala si Alden. Samahan na kita sa room mo."
"Sige. Doon ang cabin ko sa pinakadulo sa kanan. Yung malapit sa may driveway."

Binuhat ni Alden ang babae papunta sa cabin niya at mula doon, nagalak si Alden dahil sa unang pagkakataon ay nakakilala siya ng babaeng na-appreciate ang effort niya. Bumalik na si Alden sa kanyang room. Naabutan niyang tulog na si Mike at hinayaan na lang. Sumunod na araw, kinwento ni Alden kay Mike ang nangyari.
"Oh eh di swerte mo at may nakilala kang ganon. Ano uli yung pangalan at ichura?" tanong ni Mike kay Alden.
"Jen ang pangalan niya. Magandang-maganda at sexy pa." napatawang sagot pa ni Alden.
"Sige makilala nga minsan yang si Jen mo. Kailan ba uli kayo magkikita?"
"Hmm hindi ko kasi alam eh. Wala naman siyang nabanggit pero alam ko naman yung cabin niya."
"Ah. Tara puntahan natin."
"Wow grabe ka naman. Pag may pupunta dun, ako na lang muna. Sa susunod ka na. Haha." patawang wika ni Alden kay Mike.

Tinawag na si Alden para magtrabaho muli. Inikot ni Mike ang resort mag-isa. Tatawag sana siya sa mga kaibigan niya pero bigla siyang nadapa at halos natumba siya malapit sa driveway. Nahulog niya ang kanyang phone at dali itong kinuha, nang napansin niyang may kakaibang cabin sa pinakadulo. Pinuntahan niya, pero hindi niya pinasok. Tinitignan niya ng mabuti ang cabin. "Abandonado naman na ata itong cabin na to." Sinilip niya ang loob ng cabin mula sa bintana. Nakita niyang madilim sa loob at magulo lahat ng gamit. Hinayaan niya na lang at umalis. Nang paalis na siya, biglang lumamig ang paligid niya. "Bakit biglang lumamig? Ang init-init kaya dito sa resort." sabi ni Mike ng mahina. Naglakad siya ng naglakad papalayo sa driveway, pero naramdaman niyang may sumusunod sa kanya. Tumigil siya sandali at gustong lumingon kung may sumusunod nga talaga sa kanya. Napatigil siya sa isang kotseng naka-park at laking gulat ng nakitang may babaeng duguan mga ilang metro malayo sa kanya. Tumakbo siya kaagad at natataranta na. Nahulog niya din ang kanyang phone ng hindi pa namalayan dahil sa sobrang takot.

Nakalayo na siya at hinihingal sa kakatakbo. Hinanap niya si Alden para sabihin ang nangyari ngunit busy si Alden sa pagtratrabaho. Nagpahinga na lang si Mike sa lobby ng resort at sinusubukang ayusin ang isipan niya. Nawalan ng gana kumilos si Mike magmula noon. Hinintay niyang matapos si Alden sa pagtratrabaho pero inabot na siya ng gabi. Nauna si Mike na bumalik muli sa cabin at doon niya lang namalayan na wala na pala yung phone niya sa kanya. "Hala pa'no ba to, baka magalit si Willea. Hindi ko man lang siya matawagan. Ayoko naman ng lumabas kasi madilim na.

Papunta na si Alden sa cabin nila ni Mike nang biglang inutos uli sa kanya na kailangan niyang maglinis ng kiddie pool. Pagod na si Alden pero hindi na lang siya nagreklamo. Kinuha niya ang panlinis at naglinis na sa kiddie pool. Mag-isa niya lang na naroon. Habang naglilinis, may kumalabit sa kanya sa likod. Nagulat siya saglit pero nung limingon siya ay si Jen lang pala yun. "Oh Jen nandito ka uli. Kumusta?" tanong ni Alden na puno ng tuwa.
"Eto ok lang naman. Nag-ikot-ikot lang ako sa resort buong araw. Ikaw, anong ginawa mo?" sabi ni Jen kay Alden.
"Ayun nagtrabaho. Busy talaga kanina eh."
"Ah ganon ba? Oo nga halata ko sayo na talagang pagod ka na. Ay teka, may issauli pala ako sayo."
"Huh? Ano yun?" nagtatakang tanong ni Alden.
"Itong cellphone ng kaibigan mo. Nahulog niya kasi kanina eh. Tumakbo na lang bigla."
"Hay nako talaga yung mokong na yun. Salamat ha, Jen. Alam kong natataranta na yun ngayon at hindi niya ma-contact yung 'girlfriend' niya. Gusto mo bang pumunta sa cabin namin ni Mike pala? Gusto ka niyang makilala."
"Sige ba." masayang sinagot ni Jen sa alok ni Alden.

Pumunta na si Alden at Jen sa cabin matapos magtrabaho. Kinatok ni Alden ang cabin door at sinabi niya kay Jen na sa labas muna siya ng cabin. Binuksan ni Mike ang pintuan at nakita lang si Alden. "Oh ayan. Yung phone mo nahulog mo daw kanina." sabi ni Alden kay Mike. Laking gulat ni Mike ng nakita niya ang phone niya.
"Saan mo to nakuha? Kanina ko pa to hinahanap." tanong ni Mike.
"Binalik ni Jen. Nakita niya daw kasi na nahulog mo tapos bigla mo na lang daw siya tinakbuhan. Bastos ka naman pre."
"Anong si Jen?! San niya to nakuha?! Tumakbo ako kanina kasi nakakita ako ng multo!" natarantang sagot ni Mike kay Alden.
"Ui hindi naman yang magandang joke. Wag mo namang sabihan ng ganon si Jen. Dapat nga magpasalamat ka pa sa kanya kasi nakuha pa niya phone mo eh."
"Saan yung cabin ni Jen?!" galit na tanong ni Mike kay Alden, sabay kinwelyohan pa.
"D-Dun sa pinakasulok na cabin, malapit sa driveway. Dun yung sinabi niya." takot na sinagot ni Alden si Mike.
"Sa gilid? Malapit sa driveway? Yung abandonado?"
"Anong abandonado? Hinatid ko lang siya dun kagabi, maayos naman cabin niya. Wag ka na kasing mag-joke. Ayoko na. Wag kang magsalita ng ganyan tungkol kay Jen."
"Tara sa cabin niya ngayon para maniwala ka sa mga sinasabi ko."
"Oo sige, pupunta talaga tayo dun ngayon. Kasama ko si Jen ngayon, nandun lang siya sa labas. Di ba Jen?" sabi ni Alden pero walang sumagot. "Jen? Jen? San ka na nagpunta?"

"Halika na nga at pupunta na tayo sa pinakadulong cabin! Bilis!" galit na paanyaya ni Mike kay Alden. Pinuntahan nila ang cabin at ikinagulat ni Alden ng makita na mukhang abandonado na nga talaga ang cabin na iyon. Sinilip ni Alden sa loob, nagbabakasakali na andun lang sa loob si Jen. Pinilit niyang silipin hanggang sa... "Hoy ikaw! Anong ginagawa mo diyan?! Alam mo bang bawal kang lumapit diyan!?" isang security guard ang nagalit na lumapit sa kanila.
"Pasensya po sir. Dito po kasi yung cabin ng nakilala kong babae. Si Jen ang pangalan. Kailan pa to nagkagulo ng ganito?" sabi ni Alden sa security guard.
"Ano? Jen ba sabi mo? Swerte kang binata ka ah." sagot ng security guard.
"Huh? Anong ibig mong sabihin sir?" nagtatakang tanong ni Alden.
"Nakita mo rin pala si Jen. Buti buhay ka pa hanggang ngayon. Hindi niyo ba alam to? Naibalita kaya to sa TV ng ilang linggo na. Babaeng nagpakamatay dahil hiniwalayan ng boyfriend. Nakapolong puti lang siya at may hawak na matalim na blade. Naglaslas siya ng sarili niya at dahil hindi natuluyan pumunta sa isa sa mga swimming pool at hinagis ang sarili dun. Hindi pinaparenta ang cabin na to dahil yung mga dating nag-stay dito nagreklamo na nakikita daw nila ang multo niya na bumabalikbalik dito minsan sa gabi na may kasamang bagong lalaki. Ilang araw pagkatapos siya idinala dito, biglang nawawala na ang mga lalaki at hindi na nahahanap. Nakikita ko din siya minsan na may mga kinakasama nga talaga. Ang sinasabi ng mga lalaki daw na kaya siya nakita dahil hinagis niya ang sarili niya sa pool at sinalba nila ang buhay ni Jen. Pero hindi kita nakita noon, malamang dahil kumain ako saglit. Swerte mo talaga ay hindi ka nga niya nakuha." kwento ng security guard kina Alden at Mike.

Natakot silang nalaman ang kwentong iyon. Nangilabot sila matapos iyon. At tinanong ni Alden, "Paano po kapag nagkita uli kami? Anong dapat kong gawin?"
"Hayaan mo na lang siya. Naghahanap lang talaga siya ng lalaki niya. Hindi matanggap siguro na iniwan siya ng ganoon lang. Hanggang kailan ba kayo dito?" tanong ng security guard.
"Dalawang araw na lang po at tapos na ang OJT ko. Bakit po?" sabi ni Alden.
"Ah. Wala natanong ko lang. Umalis na kayo dito hangga't maari mas maaga para hindi na niya kayo guluhin. Pero wag kayong mag-alala hindi niya naman kayo susundan, lalo na ikaw na nakisalamuha talaga sa kanya."

Matapos ng gabing iyon, pinilit ni Mike at Alden na kalimutan ang lahat. Ang palabirong si Mike ay hindi na nagsalita dahil medyo natakot pa rin siya sa nangyari. Ang dapat na dalawang natitirang araw pa ni Alden sa OJT ay ginawang isang araw na lang dahil nabitin sa budget ang kanilang mga kasama. Kung kaya't hapon ng araw na iyon, naghakot na silang lahat ng gamit at naghanda na para umalis. "Uy, hindi aabot kila Willea to ha. Ayokong matakot yun." sabi ni Mike kay Alden. "Oo, atin-atin lang to. Kalimutan na din natin. Aalis tayo sa lugar na to, iiwanan natin ang takot na naranasan natin." Pumayag si Mike at sumakay na sila sa sasakyan. Dumaan ang sasakyan nila sa driveway at nadaanan ang cabin ni Jen. Umiwas si Mike na tignan ang cabin ni Jen. Si Alden buong tapang na tinignan ng huling beses ang cabin ni Jen, ngunit tumaas ang balahibo ni Alden at muling bumalik ang takot ng nakita niyang kumakaway si Jen sa kanya, ngayon sa ichurang duguan na, punong puno ng sugat ang kamay, hawak ang matulis na bagay na pang-laslas at nakangiti pa sa kanya.

- E N D -

Scary Story 2:

Inaayos ni Willea ang necktie ni Mike at naghahandang pumasok sa school. Nag-aaral silang dalawa sa iisang university pero magkaiba ang kanilang kurso. Si Willea ay isang Civil Engineering student at si Mike ay isang Hospitality and Tourism Management student na ang major ay International Travel and Tours.

"Oh ayan, maayos na ang necktie mo. Tara na, kelangan na nating pumasok at baka malate pa tayo. Mahirap pa man din malate," sabi ni Willea kay Mike. "Hindi naman kasi natin kailangan magmadali ng ganito kung hindi lang sana umalis parents at mga kapatid ko at binenta yung bahay namin. Ok na sana eh, tapat lang ng school natin yung bahay namin," sagot ni Mike.
"Eh wala tayong magagawa. Kahit magreklamo ka pa jan, ganon na talaga. Di ba sabi mo sa akin nag-decide na bumalik sa probinsya yung parents mo dahil retired naman na sila tapos yung mga kapatid mo sa ibang mga lugar na nagtratrabaho. Yung ate mo at isang kuya mo, parehong nasa Manila na. Yung isa may sarili ng pamilya at doon na sa Olongapo nagtratrabaho. Iniwan ka nila dito kasi malaki ka naman na at kaya mo na ang sarili mo." sabi ni Willea habang kinukuha ang kanyang mga gamit ng pang-engineering student.
"Kailangan ba kasi talagang balikan pa natin yun? Kulang pa ata idagdag mo pa na kaya binenta yung bahay namin para makatulong sa pagtustos ko sa 4 years na mag-aaral ako ngayong college." sagot ni Mike na medyo iritado sa pinaalala ni Willea.
"Hindi ko na kailangan sabihin kasi pinangunahan mo na ako. Oh tara na, mahirap pa man din makapara ng jeep ngayon. Ayoko ng ma-late. Mamaya pagkatapos ng klase natin, tutal pareho naman tayong half-day, maghahanap na tayo ng pwede mong lipatan na tirahan." sagot ni Willea.

Nakaalis na sila at papunta na sa school. Nang matapos ang kanilang klase, nagtulungan na sila upang maghanap ng pwedeng pagtirhan ni Mike. Inisa-isa nila ang mga mura nahanap nila sa classified ads ng newspaper na hawak nila. Malapit na silang sumuko dahil naka-ilang tingin na sila ngunit wala talagang pumapasa kina Mike at Willea. Mayroong isa pang natitirang bahay na hindi pa nila nabibisita kaya napagpasiyahan nilang tignan ang bahay na ito.

"Tao po!" sabi ni Willea habang kumakatok sa pintuan ng ipinaparentang bahay. "Baka wala pa yung may-ari. Balik na lang tayo mamaya. Nagugutom na ako," sabi ni Mike.
"Oo mamaya kakain tayo at ako rin nagugutom na."
"Interesado ba kayong kunin ang unit na yan?" biglaang tanong ng isang babaeng halos ka-edad lang nina Mike at Willea.
"Uhm, depende po. Magkano ba po ang pagrenta dito?" tanong ni Mike sa babae.
"Sa apartment na 'to? Mura lang. May 3 room to pero medyo masikip nga lang. Ah oo pala, hindi ko pa napapakilala ang sarili ko. Ako nga pala si Shelley, ang caretaker ng apartment na to. Tara pasukin natin."

Inikot nila ang apartment unit at nasiyahan si Mike dahil sa wakas, hindi na niya kailangan magpagod sa paghahanap ng matitirhan. Napagdesisyonan niya na kukunin na niya yun at lilipat na siya agad. Sabado ng sumunod na araw at natapos na muli ang klase nila nang tinawag ni Mike si Willea upang tulungan siyang maglipat ng mga gamit. Nagkita sila sa dating bahay ni Mike at naghakot ng mga gamit at idinala na sa lilipatang apartment ni Mike. Busy silang inaayos ang mga gamit doon, pero nag-focus lang muna nilang ayusin yung pangalawang kwarto, kung saan nakalagay ang mga gamit pag-kusina at pang-dining. Habang nag-aayos, nakuha ng atensyon ni Willea at pangatlong kwarto na hindi pa nila napasukan kahit noong una nilang inikot iyong apartment. Hiningi ni Willea ang susi kay Mike para mabuksan ang kwartong iyon. Ibinigay ni Mike ang susi at binuksan ni Willea ang kwarto. "Bababa lang ako saglit Willea, may kukunin lang ako." sabi ni Mike saktong kakabukas ni Willea ng kwarto. "Ah sige lang. Balik ka agad ha." sagot ni Willea.

Pagkabukas ni Willea, nakita niya lang ang isang bakanteng kwarto na may cabinet sa gilid. Hindi niya alam kung bakit pero may iba siyang nararamdaman sa cabinet na iyon. Hindi niya na lang masyadong binigyan ng pansin, pero tinitignan niya pa rin ng maigi. "Willea, akin na yang t-sqaure mo. Ipapatong ko lang doon." narinig ni Willea ang boses ni Mike na sinabi iyon sa kanya, naramdaman niya din na may humawak na sa gamit niya.
"Ay sige. Salamat." iniabot ni Willea ang t-square niya ng hindi lumilingon. Nang binitawan niya ang t-square niya, nagulat siya dahil bigla lang bumagsak ang t-sqaure niya sa sahig. Napalingon agad siya at nagulat nang nakita na wala pa lang tao sa likod niya. Inisip niya na baka niloloko lang siya ni Mike at siya'y medyo nairita. Saktong pagkapulot ni Willea ng gamit niya, umakyat na si Mike at sabay sabi kay Willea, "Tara meryenda muna tayo." Hindi na siyahan si Willea at mas lalong nairita. Nagbago ang expression sa mukha niya. Nagtaka si Mike at tinanong, "Oh bakit parang nagagalit ka?"
"Paano naman ako hindi magagalit eh aalok-alok kang ipapatong yung t-square ko tapos biglang mawawala ka at tatakbuhan mo ako!?" galit na sinagot ni Willea kay Mike. Ayaw ni Mike na lumaki ang nangyari kaya humingi na lang siya ng tawad, ngunit nagtataka siya kung bakit may nasabing ganon si Willea, wala naman siyang ginawa.

Nung unang mga gabi ni Mike sa apartment niya ay maayos pa. Nakakatulog at nakakapagpahinga pa siya. Ngunit dumating ang isang gabi na habang ginagawa niya ang kanyang research work, biglang nag-off ang kanyang laptop. "Ay buwisit naman. Malapit ko ng matapos to eh biglang nag-off. Imposible namang ubos na battery nito. Nakasaksak naman eto sa charger." Iniwan ni Mike ang kanyang laptop sa kama at tinignan ang linya ng charger. Hindi naman nagalaw. Tinignan niya din ang linya ng internet. Wala din namang problema. Bago pa balikan ni Mike ang kanyang laptop, napansin niya na bigla itong nag-on mag-isa. Sinilip ni Mike ang kanyang laptop ngunit natakot ng makitang may dugo sa keyboard ng laptop niya. Hinayaan niya yung laptop niya at lumipat na lang siya sa sofa at itinulog na niya yun.

Linggo ng sumunod na araw at pilit niyang kinalimutan ang nangyari. Hindi niya sinabi kay Willea sa takot na baka isipin ni Willea na nababaliw na siya dahil lang doon. Kaya sinubukan niyang ayusin sarili niya at sinabi sa sarili na kapag may nangyari uli na nakakatakot, agad niyang tatawagan si Willea at sasabihin na ang iyon. Kinagabihan ng araw na iyon, nanood mag-isa ng TV si Mike nang biglang bumukas ang kwarto noong pangatlong kwarto. Nagulat siya pero tinignan niya pa rin kung ano bang meron sa kwartong iyon. Lumapit siya at sisilipin sana yung kwarto pero biglang sumara ang pintuan na parang may galit na taong nagdabog doon. Nataranta si Mike at dali-daling kinuha ang kanyang phone. Tinawagan niya si Willea agad, takot na takot. "Kumalma ka na muna. Halika na dito sa bahay ko, dumito ka muna. Mag-isa ko lang naman kaya pwede kitang patulugin muna rito." Pumunta si Mike sa bahay ni Willea at doon ay kinwento ni Mike lahat ng nangyari sa kanya. "Bukas babalik tayo sa apartment mo at sasamahan na kitang matulog doon" sabi ni Willea kay Mike.

Hapon ng sumunod na araw, binalikan nina Willea at Mike ang apartment. Nung hapon maayos pa sila. Nakapaglaro pa ng cards, nagkwentuhan at nag-usap at nakakain ng maayos. Iniisip ni Mike na baka dahil sa sobrang stressed niya lang sa school at dahil sa pagkakahiwalay niya sa pamilya ay ang dahilan kung bakit nagkakaganoon siya, at hindi yung apartment mismo ang tumatakot sa kanya. Natulog na sila.

Nagtabi silang natulog ng gabing iyon. Kalagitnaan ng tulog nila, naalimpungatan si Mike dahil naramdaman niyang may humihila ng kanyang kumot. Akala niya si Willea iyon, pero nung binuksan ni Mike ang kanyang mga mata, nakita niya ang isang babaeng duguan ang kamay na hinihila ang kanyang kumot. Dali-dali niyang ginising si Willea. Nagising nga si Willea at nakita ang babaeng madugo ang kamay. Sigaw ng sigaw si Willea sa kanyang nakita ngunit inisip ni Mike na tumalon na lang sa bintana, nagbabakasakali na makakaligtas sila sa takot. Dahil sa sobrang lakas ng sigaw ni Willea, napatakbo si Shelley sa apartment nila at pwersahang binuksan ang kanilang apartment door. Biglang nawala ang babaeng duguan ang kamay nang binuksan ni Shelley ang pintuan. Dineretso nina Mike at Willea si Shelley na hindi nila matitiis ang ganong klaseng apartment. Sinabi ni Shelley na ipapa-bless niya daw ang apartment na iyon, pero sabi pa rin ng dalawa na mas pipiliin pa rin nilang lumipat kaysa magtiis. Nirespeto ni Shelley ang kanilang desisyon at kinaumagahan, umalis na kaagad sina Mike at Willea.

"Ayan, maayos na uli ang necktie mo." sabi ni Willea kay Mike, nakangiti. "Salamat" sagot ni Mike. Paalis na sila sa nilipatang bahay ni Mike, nang biglang sabi ni Willea, "Ilang buwan na rin ng nangyari iyon no?"
"Ang ano?" sabi ni Mike.
"6 months ago, nung may nilipatan ka pero umalis ka din lang agad dahil sa... alam mo na..."
"Ah oo 'yun. Wala na sa akin yun. Nagpapasalamat na lang ako at hindi na naulit yun nung nahanap natin tong mas maaliwalas na apartment."
"Oo nga. Salamat sa Diyos."

Napangiti sila pareho ngunit naisipan nilang bumalik sa apartment na iyon, pero para lang kausapin si Shelley at kamustahin siya. Nang nakarating sila roon, nakita nila ang apartment na may nakatirang panibago.

"Aalis nanaman ang mga nakatira diyan ngayon. Apat na araw pa lang, lalayas na sila. Hay buhay nga naman oh." wika ni Shelley na bigla na lang sinabi kina Mike at Willea.
"Teka, akala ko ba sabi mo nung umalis kami, ipapa-bless mo yan? Hindi ba natuloy?" ngtatakang tanong ni Mike kay Shelley.
"Lagi naman kapag may tumitira diyan, umaalis sila agad. Ang pinakamatagal na nakatiis diyan tatlong linggo lang. Tuwing may aalis lagi namin yan pinapa-bless, pero wala talagang nagyayari. Ayaw talaga umalis." sagot ni Shelley.
"Sana permanente niyo ng isara na lang yan. Wala din lang tumatagal diyan." sabi ni Willea.
"Matagal na namin 'yon naisipan. Pero kasi kapag isinasara namin yan, hindi tumatahimik ang apartment na yan. Maya't maya may umiiyak, kung hindi naman maraming nadadabog o nahuhulog na gamit. Maingay diyan pag nakasara lang."
"Kaya pala. Pero, bakit ba kasi ganyan ang apartment na yan?"
"Hindi ko din alam. Sampung taon ko ng binabantayan yang bahay na yan, hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit. Lumipat ng lugar yung unang may-ari ng bahay na yan at pinabantay lang sa akin. Sabi niya babalikan niya daw, pero hindi naman bumalik. Hindi na talaga niya binalikan ang apartment na yan. Bahala na ang kwento ng apartment na yan, kasi kahit ako ayoko ng malaman."

- E N D -